MARINDUQUE.GOV.PH

Heart and Center of the Philippines

Headlines

Friday, March 31, 2017

BFP Boac nagsagawa ng 'fire safety' seminar sa Hinapulan; Kaligtasan ng mga bata, kanilang prayoridad


Ang Bureau of Fire Protection-Boac personnel sa pangunguna nina FO1 Ian Chris Narvaez, FO1 Frederick Jalotjot kasama ang mga fire volunteer na sina Ryan Alvin N. Mogol, Deo De Guzman at Gerald Mendoza ay nagsagawa ng Fire Safety Seminar and Drill sa Barangay Hinapulan Day Care Center nitong Marso 24 hangang 25. Maliban sa drill ay nagsagawa rin sila ng isang pagsasadula ang mga firemen na ginanapan ng kanilang mascot na si Berong Bombero upang mas lubusang maunawaan ng mga mag-aaral ang ganitong uri ng diskusyon.


Photos courtesy of Boac Fire Station