Nagsagawa ng Gender and Development Planning and Budgeting Workshop ang Philippine Commission on Women sa Old Session Hall, Provincial Capitol nitong Lunes, Marso 20 na dinaluhan ng mga empleyado mula sa iba't ibang ahensya ng lokal na pamahalaan ng probinsya tulad ng Planning and Development Office, Social Welfare and Development Office, Human and Resource Management Office, Budget, Office, Accounting Office, Treasurer's Office, Health Office, Agriculturists' Office, Department of Education at Department of Tourism.
Layunin nito na matalakay kung ano ang mga isyu na kinakaharap ng bawat empleyado at mga kliyente ng bawat ahensya. Bukod dito ay inilatag nila ang budget na kailangang mapunan upang maisagawa ang mga campaign at training na nais isagawa ng bawat ahensya na may kinalaman sa gender and development.
Photos courtesy of Joven Malabana Lilles