Sa pangunguna ni SPO4 Rodel Lupig kasama ang kapulisan ng bayan ng Gasan ay nagsagawa sila ng pagbisita at diyalogo nitong Lunes, Marso 25 sa barangay Libtangin, Gasan sa pakikipag-ugnayan sa punong barangay na si Merlyn A. Semilla. Pinag-usapan nila sa kanilang barangay ang masamang dulot ng droga, mga klase ng droga na ipinagbabawal at ang mga parusa laban sa paggamit nito na nasasaklaw ng Republic Act 9165 o mas kilala sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.
Pagkatapos nito ay namigay rin sila ng flyers.
Photos courtesy of Gasan Municipal Police Station