MARINDUQUE.GOV.PH

Heart and Center of the Philippines

Headlines

Saturday, November 15, 2025

EDITORYAL: Facebook Page ni Cong. Rey, naglahong parang bula; Kanyang personal FB, naging pribado


Tanong ng ating mga kababayan, anyare? Bakit tila biglang naglahong parang bula ang official Facebook Page na ginagamit ni Marinduque representative Reynaldo Salvacion?

Nowhere to be found na ngani sa mundo ng Meta ang Congressman Reynaldo Salvacion FB page na dating ginagamit ng kanyang opisina sa paglalathala ng mga proyekto, programa at accomplishment ng kongresista.

Maging ang kanyang personal FB page na dati ay nakabuyangyang sa publiko, ngayon ay naka locked na! Hmmmmmmmmm, smell fishy.

Cong. Reynaldo Salvacion locked his personal Facebook profile

Mukhang wala namang kailangang itago ang ating kinatawan dahil alam naman nating malapit sa tao o makamasa ang ating nag-iisang Cong. Kruk Kruk Yeba Yehey.

Hindi na tuloy natin masundan kung anu-ano ang magagandang proyekto at aktibidad na ginagawa ng ating Mr. Ice Candy na kongresista.

Sa panahon ngayon na tayo ay nabubuhay sa tinatawag na digital age gayundin sa paglaganap ng social media na ayon ngani sa report ng Meltwater at We Are Social, napag-alaman na 83.3 porsiyento ng populasyon sa Pilipinas ay gumagamit ng internet.

Kaya mahalaga na mayroong official Facebook page, website or other social media presence ang isang tanggapan ng gobyerno o ang isang namumuno sa pamahalaan upang ito'y maging instrumento sa pagpapaabot ng tamang impormasyon, pabatid at iba pang mahahalagang datus na kailangang maalaman ng publiko.

Bagama't naiintindihan natin na marahil ay hindi techie ang ating congressman subalit kailangan n'yang maging adaptive sa kasalukuyang panahon at magkaroon ng official social media account na magsisilbing kanyang virtual office ng sa gayon ay maipamalay n'ya sa mga constituent ang kanyang mga adbokasiya at aktibidad.

Isa rin itong magandang kasangkapan para maisadiwa at maisabuhay ang tinatawag na transparency in governance kung saan isa sa mga mekanismo nito ay ang pag-activate ng open data at paggamit ng digital technology.

Maging ang Republic Act No. 12254 o ang E-Governance Act ay naghihikayat na i-digitalize ang mga serbisyong pampubliko upang mabawasan ang red tape at mapataas ang antas ng transparency at accountability sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.

Nawa ay maging bukas ang ating butihin at nag-iisang kinatawan sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa mga suhestiyon ng ating mga kababayan at hindi maging balat-sibuyas at tradisyunal sa pamamahala.

Dalangin din namin na patuloy na maging malapit sa publiko ang ating Cong. Rey, palaging maging maayos ang kanyang kalusugan at huwag makalimot sa mga pangakong kanyang binitawan.

Cong., paki-activate na po ulit ang inyong official Facebook page. :)

Yon laang. Kruk...Kruk.