STA. CRUZ, Marinduque -- Nabagsakan ng puno ng niyog ang isang patrol car ng Marinduque Police Provincial Office (PPO) habang tumutulong sa isinasagawang force evacuation sa Barangay Lapu-Lapu, bayan ng Sta. Cruz, ngayong umaga, Nobyembre 9.
Batay sa ulat, bandang 7:00 am, habang nakaparada ang patrol car at hinihintay ang mga lilikas na residente upang ihatid sa mga evacuation center, ay biglang bumagsak ang isang puno ng niyog at tinamaan ang unahang bahagi ng sasakyan. Sa kabutihang palad, walang naiulat na nasaktan, bagama’t nasira ang harapang bahagi ng patrol car.
Sa kabila ng insidente, ipinagpatuloy pa rin ng mga pulis at rescuers ang kanilang operasyon upang masiguro ang kaligtasan ng mga evacuees sa gitna ng masamang panahon dulot ng BagyongUwan.
Pinaalalahanan naman ng kapulisan ang publiko na magkusang lumikas sa mga ligtas na lugar upang maiwasan ang anumang panganib.
Mga kababayan, magkusa na po tayo na lumikas para sa kaligtasan ng lahat. Sa kabila ng pangyayari, ang inyong kapulisan ay patuloy sa serbisyo para sa ating mga kababayan," pahayag ni Sta. Cruz Acting Chief of Police PCPT Jayson E. Quindoza.
Para sa mga nangangailangan ng tulong, maaaring makipag-ugnayan sa Sta. Cruz MPS sa mga numerong 0998-598-5806. -- Marinduquenews.com
