BUENAVISTA, Marinduque -- Inaasahang nasa 80 miyembro nang Samahan ng mga Mangingisda sa Barangay Yook sa bayan ng Buenavista, Marinduque ang makikinabang sa pondong inilaan ng Department of Labor and Employment (DOLE).
Ang pagkakaloob ng nasabing tulong pinansyal ay bahagi ng pagsusumikap ng ahensya na makatulong sa lahat ng sektor ng lipunan lalo na sa mga manggagawa at mangingisda upang mapabuti ang kanilang paghahanapbuhay.
Ang pondo na nagkakahalaga ng P1,195,000 ay nakalaan sa pagbili ng mga engine motor para sa mga bangka ng mga benepisyaryo gayundin sa pagbili ng mga kagamitan sa pangingisda kagaya ng fishing gears at iba pa.
Ayon kay Philip Alano, provincial director ng DOLE-Marinduque, ang programa ay nagpapakita ng patuloy na pakikipagtulungan ng kanilang tanggapan sa lokal na pamahalaan upang tutukan ang pagsusulong ng kalagayan ng mga mangingisda at suportahan ang industriya ng pangisdaan pati na rin ang kanilang pamilya.
Nagpahayag naman ng pasasalamat si Mayor Eduard Siena sa tulong na ibinigay ng DOLE para sa karagdagang suporta na ipinagkaloob sa mga mangingisda na aniya ay makatutulong ng malaki sa kanilang kabuhayan.
Patuloy ring pinalalakas ng DOLE ang iba pang mga programang makapagpapabuti sa kalagayan ng mga manggagawa sa lalawigan, ilan na rito ay ang DOLE-TUPAD at Nego-Kart na laan para sa mga kwalipikadong mamamayan. (Ana Maria Korina D. Arcilla/MNN)
Monday, November 6, 2023
DOLE nagbigay ng P1.1-M pondo sa mga mangingisda sa Buenavista
Recommended Articles
- Marinduque News
DOLE nagbigay ng P1.1-M pondo sa mga mangingisda sa BuenavistaNov 06, 2023
BUENAVISTA, Marinduque -- Inaasahang nasa 80 miyembro nang Samahan ng mga Mangingisda sa Barangay Yook sa bayan ng Buenavista, Marinduque ang makikina...
- Marinduque News
Persons deprived of liberty sa Marinduque, nabigyan ng pagkakataong magtrabahoOct 24, 2023
BOAC, Marinduque (PIA) -- Nabigyan ng Department of Labor and Employment (DOLE) nang pagkakataong makapagtrabaho sa ilalim ng programang Tulong Pangha...
- Marinduque News
Pagsasanay para mapataas ang produksyon at kita ng mga magsasaka sa Marinduque, isinagawaOct 23, 2023
SANTA CRUZ, Marinduque -- Nasa 50 na mga farmer leader at agricultural extension workers kasama ang mga kinatawan ng iba't ibang kooperatiba at asosas...
- Marinduque News
State of calamity, idineklara sa bayan ng Boac dahil sa rabiesOct 12, 2023
BOAC, Marinduque -- Isinailalim na sa state of calamity ang bayan ng Boac dahil sa tumataas na kaso ng rabies.Ito ay base sa Sangguniang Bayan Resolut...
Newer Article
PBBM nagbigay ng P39M na tulong sa mangingisda at magsasaka ng Marinduque
Older Article
Persons deprived of liberty sa Marinduque, nabigyan ng pagkakataong magtrabaho
Labels:
Marinduque News