MARINDUQUE.GOV.PH

Heart and Center of the Philippines

Headlines

Saturday, September 30, 2023

Sugatang dolphin, iniligtas ng mga rescuer sa Marinduque


MANIWAYA, Santa Cruz -- Pinagsumikapang mailigtas ng mga tauhan ng Marinduque Animal and Wildlife Rescue Emergency Response Team (MAWRERT) ang isang sugatang melon headed whale na napadpad sa baybaying sakop ng isla Maniwaya sa bayan ng Santa Cruz, Marinduque nitong Sabado, Setyembre 30.

Makalipas na lapatan ng lunas ng mga responder ang nasabing dolphin at matapos maturukan ng gamot at bitamina ay agad itong ibinalik sa malalim na bahagi ng karagatan.







Nagpaalala naman si Dr. Josue Victoria, provincial veterinarian na kapag nakakita ng kaparehas na mga buhay-ilang o iba pang endangered species, huwag silang hulihin o lapastanganin at kung sakaling mapansing sugatan, agad makipag-ugnayan sa pinakamalapit na Animal and Wildlife Rescue Emergency Response Team. -- Marinduquenews.com