Salipawpaw
(Eroplanong Papel)
Isinulat ni Ronaldine Lineses Petlla noong 1987
Mag-aaral mula sa Marinduque Institute of Science and Technology (MIST)
Tanza, Boac, Marinduque
Musmos na isipan nakayari ng laruan,
Tinupi-tupi tiklop bawat kantuhan.
Hinipid sinisipat sa pagyari nito,
Binabalanse sa tingin upang matining.
Kapag husto na sa sipat subuki na,
Atubiling paghagis na may pagasa.
Pagpapalayag sa hangin may asam,
Matining paglipad umayun ka hangin.
Maalam ka na ngani, iitsa mo na,
Murang isipan mo ay nausbong na.
Iyan ay hindi pansin sa isip ng paslit,
Ngunit sa puso’y haplus ano ng gana.
Nasabay sa unang hagis ng paglipad,
Pagsalunga ng iyong munting hiling.
Guyabnan gabay ng unang pagtangka,
Batang isla may munting pangarap din.
Tumingala ka pagmasding maige,
Salipawpaw na unang mong nayari.
Anong husay sa pagkumpas sa hangin,
Napapaiktad mandin hatid anong tuwa.
Ngisngis, nalundag angat paa sa lupa,
Paunok sa hagikhik tagumpay sunong.
Anong galing mo na amusing bata ka,
Kulpot sayo mga kalaro, na-ulit ka baga?