Personal na binisita ni Gov. Carmencita Reyes ang tatlong centenarian na kinilala ng lalawigan. Nagbigay rin ng 'cash incentive' ang gobernadora sa mga ito.
|
Si Gov. Reyes, habang kinukumusta si Mrs. Rufina Rondina na 100 years old, mula sa bayan ng Torrijos |
|
Mrs. Felicidad Pedrialva, 101 years old mula sa Bagong Silang, Santa Cruz, Marinduque |
|
Binigyan ng cash incentive ang centenarian na si Mrs. Simplicia Recana, 102 years old sa tulong ng PSWD at ni Gov. Carmencita Reyes |
Matatandaan na ilang araw bago bumababa sa pwesto noong 2016, pinirmahan ni Pangulong Benigno Aquino ang batas na kikilala sa mga Pilipinong aabot sa isandaang taong gulang. Bukod sa pagkilala, magreregalo rin ang gobyerno ng P100,000 na cash incentive sa mga centenarian. May karagdagan ding 'cash gift' na ibibigay ang pinagmulang siyudad o bayan ng benepisyaryo. Itinakda rin ng batas ang unang linggo ng Oktubre bilang ‘National Respect for Centenarians Day’.
Photos courtesy of Marinduque Provincial Government