MARINDUQUE.GOV.PH

Heart and Center of the Philippines

Headlines

Sunday, July 24, 2016

‘Drug personalities’ na sumuko sa Marinduque, umabot na sa 399

BOAC, Marinduque – Umabot na sa tatlong daan at siyamnapu’t siyam (399) ang naitalang bilang ng mga boluntaryong sumukong drug personalities sa buong lalawigan ng Marinduque.


Ayon sa panayam ng Marinduque News Online sa tagapagsalita ng Marinduque Provincial Police Office (MPPO) na si Police Senior Inspector Carmelo S. Alino, mula July 1 hanggang July 21, 2016 as of 4:00 am, pumalo na sa 399 katao ang boluntaryong user at pusher na sumuko sa mga otoridad sa buong Marinduque matapos ang isinagawang Oplan Tokhang ng pulisya.

Base sa datos na ibinigay ng Marinduque Provincial Police Office sa pamamagitan ni PSINSP. Alino, ang bayan ng Mogpog ang nagtala ng may pinakamaraming surrenderee sa buong probinsya na umabot sa 115, sumunod ang bayan ng Gasan (92), Buenavista (80), Boac (79), Sta. Cruz (26) at Torrijos, na siyang nagtala ng may pinakamaliit na surrenderees (7).

Narito ang kompletong listahan ng mga boluntaryong user at pusher na sumuko sa kapulisan sa pamamagitan ng Oplan Tokhang.

Samantala, dalawang katao naman ang naaresto ng Marinduque police sa bayan ng Sta. Cruz.

Ayon sa mga otoridad, inaasahan ang patuloy na pagtaas ng bilang dahil nasa gitna sila ngayon ng mas pinahigpit at pinaigting na kampanya at operasyon ng iligal na droga.

Matatandaan na nangako si Pangulong Rodrigo Duterte bago mag-eleksyon noong Mayo, na susugpuin niya ang krimen sa loob ng anim na buwan.