MARINDUQUE.GOV.PH

Heart and Center of the Philippines

Headlines

Monday, February 13, 2023

Velasco, pinangunahan ang dayalogo sa enerhiya sa pagitan ng Pilipinas at Czech Republic


BOAC, Marinduque -- Pinangunahan ni Marinduque Representative at Committee on Energy Chairperson Lord Allan Jay Velasco ang dayalogo sa larangan ng enerhiya sa pagitan ng Pilipinas at Czech Republic nitong Lunes, Pebrero 13.

Ito ay matapos magkaroon ng pagpupulong ang mga miyembro ng Kapulungan ng mga Kinatawan at mga opisyal mula sa Republika ng Czech para talakayin ang pagkakataon na mapalakas ang ugnayan sa enerhiya sa pagitan ng dalawang bansa.

Ayon kay Velasco, binigyan diin n'ya ang tungkol sa energy mix at ang sitwasyon ng kuryente sa Pilipinas, partikular na ang paglipat patungo sa renewable energy at ang hangarin ng administrasyon na makabuo ng isang natural gas industry.

Katuwang si Deputy Speaker Kristine Singson-Meehan, kasama ring binalangkas ng mga mambabatas ang hingil sa sektor ng transportasyon, at kalakalan gayundin ang mga ginagawang pagsisikap ng pamahalaan at mga isinusulong na mga hakbangin sa lehislatura, upang magkaroon ng katuparan ang mga ito.

Samantala, matapos ang matagumpay na talakayan, ang delegasyon ng Czech na pinamumunuan ni Deputy Speaker ng Chamber of the Deputies Jan Skopeček at Czech Ambassador to the Philippines Her Excellency Jana Šedivá ay nag courtesy call kay Speaker Ferdinand Martin Romualdez. (Romeo Mataac Jr/PIA-MIMAROPA)