MOGPOG, Marinduque -- Arestado ng mga awtoridad ang dalawang lalaki na nahuling nagbebenta ng iligal na droga matapos ang isinagawang buy-bust operation sa Barangay Balanacan, Mogpog nitong Sabado, Pebrero 11.
Kinilala ang mga suspek na sina Rafael Penamante, 39 anyos, residente ng Barangay Daungan, Mauban, Quezon habang ang isa ay si Jayson Decena, 36 taong gulang, naninirahan sa Barangay Alobo, Santa Cruz, Marinduque.
Nadakip ang mga suspek ng pinagsanib na pwersa ng Mogpog Municipal Police Station, Marinduque Maritime Police Station (MPS) at Coastguard Substation Mogpog bandang alas 5:00 ng hapon ng parehong araw.
Nakumpiska mula sa mga suspek ang mahigit 10 gramo ng pinaghihinalaang shabu na nakalagay sa mga heat-sealed transparent plastic sachet at tinatayang nagkakahalaga ng P30,000 kasama ang dalawang cellphone at buy bust money.
Nakapiit na sa detention cell ng Mopog MPS ang mga suspek at mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Monday, February 13, 2023
2 lalaki, arestado sa iligal na droga sa Mogpog
Marinduque-Police-Report
Labels:
Marinduque-Police-Report