MARINDUQUE.GOV.PH

Heart and Center of the Philippines

Headlines

Monday, February 20, 2023

Monday, February 20, 2023

Inflation in Marinduque climbs to 9.2 percent in Jan 2023


BOAC, Marinduque -- In the latest data issued by Philippine Statistics Authority (PSA), the inflation rate in the province of Marinduque increased by 0.1 percent from previous statistics of 9.1 in December 2022.

According to Chief Statistical Specialist Gemma N. Opis, the main sources of this uptrend were driven by the combined acceleration of the prices in personal care with 6.9 percent, miscellaneous goods and services such as shoes with 60.2 percent, garments 3.8 percent, clothing accessories 17.1 percent, stationary and drawing materials with 8.4 percent and books with 4.7 percent.

Furthermore, Opis explained that food such as meat, vegetables and cereal products with a total of 14.8 percent, transport and housing, water, electricity, gas and other fuels were major contributors of the January inflation rate.

"We are regularly conducting surveys based on the consumer price index of the following items in the market to determine the total inflation rate and as of January 2023, 9.2 percent report was documented," Opis added.

Meanwhile, the province’s purchasing power of peso decreased by 0.1 percent compared to the December 2022 data of 0.79 percent. (Ana Maria Korina D. Arcilla/MNN)

Thursday, February 16, 2023

Thursday, February 16, 2023

Culture and Arts Unit ng MSC, kabilang sa Pasinaya: Open House Festival


BOAC, Marinduque -- Sa pagbabalik ng 'Pasinaya: Open House Festival na may temang Piglas-Sining ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas (CCP) ay mapalad na napabilang ang Culture and Arts Unit ng Marinduque State College bilang Kaisa sa Sining (KSS) Regional Arts Center.

Ang Pasinaya ay binubuo ng limang elemento na kinabibilangan ng pagtitipon, palihan, palabas, palitan at paseo museo na may layuning pagsamahin ang bawat sangay ng CCP upang maibahagi ang mga plano at programa sa lahat ng Regional Arts Center sa buong bansa.

Ayon kay Dr. Randy Nobleza, associate professor sa MSC School of Liberal Arts, nagkaroon din ng iba’t ibang pagtatanghal ang mga CCP Resident Companies, propesyunal, amateur at community-based na mga manlilikha at organisasyong pansining.

Ang naturang aktibidad ay naging bukas sa publiko at tumanggap ng donasyon na hindi bababa sa P50 na nagsilbing tulong sa pagpapalawig ng kaalaman sa sining, musika, dulaan, sayaw, sining biswal, pelikula, at panitikan. (Ana Maria Korina D. Arcilla/MNN)

Thursday, February 16, 2023

Bagong multi-purpose building sa Isok II, napakikinabangan na


BOAC, Marinduque -- Napakikinabangan na ng mga residente ang bagong gawang multi-purpose building sa Barangay Isok II sa bayan ng Boac.

Ito ay matapos bendisyunan at pormal na pasinayaan ang nasabing istruktura na pinangunahan ni Cong. Lord Allan Jay Velasco kasama si Kapitan Alberto Malvar at iba pang mga opisyales mula sa pamahalaan.

Ayon kay Malvar, magagamit ang nasabing gusali nang humigit 265 na pamilya o nasa 800 na mamamayan ng kanilang barangay.

"Labis po akong nagpapasalamat sa lahat ng tumulong para maipatayo ang covered court na ito lalo na kay Cong. Allan at Gov. Presby Velasco sapagkat marami pong mga eskwelahan ang nakapaligid sa aming lugar. Nandiyan po ang Marinduque National High School, Don Luis Hidalgo Memorial School at iba pa kaya lubos itong mapakikinabangan lalo na ng mga mag-aaral sa tuwing mayroon silang school activity," pahayag ng kapitan ng barangay.

Base sa ulat ng Department of Public Works and Highways (DPWH), P4,845,337.66 ang halaga ng pondong inilaan dito ng gobyerno sa ilalim ng Regular Infrastrature General Appropriations Act of 2021. (Romeo Mataac Jr/PIA)

Monday, February 13, 2023

Monday, February 13, 2023

Velasco, pinangunahan ang dayalogo sa enerhiya sa pagitan ng Pilipinas at Czech Republic


BOAC, Marinduque -- Pinangunahan ni Marinduque Representative at Committee on Energy Chairperson Lord Allan Jay Velasco ang dayalogo sa larangan ng enerhiya sa pagitan ng Pilipinas at Czech Republic nitong Lunes, Pebrero 13.

Ito ay matapos magkaroon ng pagpupulong ang mga miyembro ng Kapulungan ng mga Kinatawan at mga opisyal mula sa Republika ng Czech para talakayin ang pagkakataon na mapalakas ang ugnayan sa enerhiya sa pagitan ng dalawang bansa.

Ayon kay Velasco, binigyan diin n'ya ang tungkol sa energy mix at ang sitwasyon ng kuryente sa Pilipinas, partikular na ang paglipat patungo sa renewable energy at ang hangarin ng administrasyon na makabuo ng isang natural gas industry.

Katuwang si Deputy Speaker Kristine Singson-Meehan, kasama ring binalangkas ng mga mambabatas ang hingil sa sektor ng transportasyon, at kalakalan gayundin ang mga ginagawang pagsisikap ng pamahalaan at mga isinusulong na mga hakbangin sa lehislatura, upang magkaroon ng katuparan ang mga ito.

Samantala, matapos ang matagumpay na talakayan, ang delegasyon ng Czech na pinamumunuan ni Deputy Speaker ng Chamber of the Deputies Jan Skopeček at Czech Ambassador to the Philippines Her Excellency Jana Šedivá ay nag courtesy call kay Speaker Ferdinand Martin Romualdez. (Romeo Mataac Jr/PIA-MIMAROPA)

Monday, February 13, 2023

2 lalaki, arestado sa iligal na droga sa Mogpog


MOGPOG, Marinduque -- Arestado ng mga awtoridad ang dalawang lalaki na nahuling nagbebenta ng iligal na droga matapos ang isinagawang buy-bust operation sa Barangay Balanacan, Mogpog nitong Sabado, Pebrero 11.

Kinilala ang mga suspek na sina Rafael Penamante, 39 anyos, residente ng Barangay Daungan, Mauban, Quezon habang ang isa ay si Jayson Decena, 36 taong gulang, naninirahan sa Barangay Alobo, Santa Cruz, Marinduque.

Nadakip ang mga suspek ng pinagsanib na pwersa ng Mogpog Municipal Police Station, Marinduque Maritime Police Station (MPS) at Coastguard Substation Mogpog bandang alas 5:00 ng hapon ng parehong araw.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang mahigit 10 gramo ng pinaghihinalaang shabu na nakalagay sa mga heat-sealed transparent plastic sachet at tinatayang nagkakahalaga ng P30,000 kasama ang dalawang cellphone at buy bust money.

Nakapiit na sa detention cell ng Mopog MPS ang mga suspek at mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Tuesday, February 7, 2023

Tuesday, February 07, 2023

2 livelihood-assisted projects ng DOLE sa Marinduque, kinilala


TORRIJOS, Marinduque -- Kasabay nang paghahanda ng Department of Labor and Employment (DOLE)-Marinduque sa paparating na Mimaropa Kabuhayan Awards 2023 ay binigyan ng ahensya ng pagkilala ang dalawang natatanging livelihood-assisted project sa lalawigan katuwang ang Livelihood and Manpower Development-Public Employment Service Office (LMD-PESO).

Sa mga entry mula sa anim na munisipalidad, ang mga kalahok na nanggaling sa Bayan ng Santa Cruz at Torrijos ang namukod-tangi.

Ang BJ’s Rolling Store: Dokumentaryo ni Dennis 'BJ' Ganon ng PESO Torrijos ang itinanghal na Best DOLE-Assisted Livelihood Project para sa individual category habang nasungkit ng PESO Santa Cruz Baliis Farmers Community Association (BFCA) ang pinakamahusay na parangal para sa group category.

Ayon kay Philip Alano, Provincial Director ng DOLE-Marinduque, umaasa na siya na sa pamamagitan ng ganitong mga gawain ay mahihikayat ang mga benepisyaryo na lalo pang paunlarin ang mga maliliit na negosyo at asosasyong tinulungan ng kanilang ahensya. (RAMJR)

Dagdag pa ng panlalawigang direktor, pangunahing layunin ng kanilang tanggapan sa ilalim ng DOLE Integrated Livelihood Program o Kabuhayan Program na tulungan ang iba’t ibang grupo kabilang ang mga self-employed na manggagawa na walang sapat na kabuhayan, mga manggagawang nawalan ng tirahan o malapit nang lumikas, mga magsasaka na walang sariling lupa, mangingisda, mga kababaihan at kabataan, mga taong may kapansanan, senior citizens, katutubo, biktima ng giyera o sagupaan, rebel returnees, at mga magulang ng child laborer.

Samantala, nakatakdang ilaban ang BJ's Rolling Store at BFCA sa nalalapit na DOLE Mimaropa Kabuhayan Awards na gaganapin ngayong taon. (Ana Maria Korina D. Arcilla/MNN)