MARINDUQUE.GOV.PH

Heart and Center of the Philippines

Headlines

Tuesday, February 7, 2023

8 mangingisda sa Gasan, tumanggap ng solar powered na boya


GASAN, Marinduque -- Namahagi ng walong yunit na solar lighted na boya sa mga mangingisda sa bayan ng Gasan ang Pamahalaang Panlalawigan ng Marinduque sa pangunguna ng Provincial Agriculture Office, kamakailan.

Ang mga benepisyaryo na tumanggap ng nasabing solar powered light bouy ay nagmula sa hanay ng mga mangingisda sa Barangay ng Masiga, Libtangin, Pangi, Dili, Bognuyan, Bacongbacong, Pinggan at Antipolo.

Pinangunahan ni Provincial Agriculturist Edilberto de Luna ang pamamimigay ng naturang mga kagamitang pangisda kasama si Municipal Agriculture Officer Vanessa Faeldo Tayaba.

Ayon kay De Luna, layunin ng programa na mabigyan ang mga benepisyaryo ng mga mga makabagong kagamitan na makatutulong para maparami ang huling isda ng mga ito.

Maliban sa boya, nagbigay din ang Tanggapan ng Panlalawigan Pansakahan ng mga semento, lubid at iba pang mga gamit sa pangingisda.

Nagpasalamat naman si Mayor Rolando Tolentino sa mga programa na inilaan ng pamahalaang panlalawigan upang mapabuti ang kabuhayan ng mga mangingisda na munisipalidad ng Gasan. (Ana Maria Korina D. Arcilla/MNN)