MARINDUQUE.GOV.PH

Heart and Center of the Philippines

Headlines

Sunday, January 15, 2023

Ugnayan sa Barangay, pinalakas sa bayan ng Gasan


GASAN, Marinduque -- Patuloy ang isinasagawang Ugnayan sa Barangay sa pangunguna ni Mayor Rolando Tolentino na nagsimula noong nakaraang taon.

Ito ay sinimulan sa mga barangay ng Banuyo, Antipolo, Cabugao, Tapuyan, Pinggan at Dawis.

Layon ng gawain na maiulat ang kasalukuyang programa ng lokal na pamahalaan katuwang ang mga pinuno ng iba’t ibang ahensiya at maging bukas sa katanungan mula sa taumbayan ukol sa mga serbisyo na ipinatutupad nito.

Ibinahagi din ng alkalde ang kanyang mga nagawang proyekto sa kanyang unang isandaang araw na panunungkulan.

Ayon kay Mayor Tolentino, ilan sa mga ito ay ang 20 Executive Order na kanyang nilagdaan, pamimigay ng mga school supplies para sa mga batang nasa unang baitang sa mga pampublikong paaralan at patuloy na pakikipagtulungan sa Rural Health Unit upang malabanan ang COVID-19 pandemic.

Kasabay ng pagsasagawa ng gawaing ito ang pagbibigay ng tulong pinansiyal para sa bawat barangay na nagkakahalaga ng P5,000. (Ana Maria Korina D. Arcilla/MNN)