MARINDUQUE.GOV.PH

Heart and Center of the Philippines

Headlines

Sunday, January 8, 2023

Construction worker sa Gasan, patay sa aksidente sa motorsiklo

 

GASAN, Marinduque -- Binawian ng buhay ang isang construction worker matapos na maaksidente sa motorsiklo sa Barangay Banuyo, Gasan nitong Sabado, Enero 7.

Nakilala ang biktima na si Orlando Saez, 43 anyos at residente ng Barangay Dawis, Gasan, walang lisensya ayon sa report ng pulisya.

Base rin ulat ng Gasan Municipal Police Station, nangyari ang aksidente dakong 11:00 ng gabi sa tulay ng Antipolo-Banuyo sa nabanggit na bayan.

Mabilis umano ang pagpapatakbo ng biktima na nasa impluwensiya ng alak habang binabagtas ang Antipolo-Banuyo National Road hanggang sa hindi na nito nakontrol ang minamaneng motorsiklo dahilan para humampas sa 'concrete gutter' ng tulay sa lugar.

Isinugod pa sa Marinduque Provincial Hospital ng mga rumespondeng otoridad si Saez subalit ideneklarang dead on arrival. (DERE/MARINDUQUE NGAYON)