MARINDUQUE.GOV.PH

Heart and Center of the Philippines

Headlines

Tuesday, January 10, 2023

Bagong evacuation center sa Bonliw, Torrijos pinasinayaan


TORRIJOS, Marinduque -- Pormal nang ipinagkaloob ang bagong gawang evacuation center sa Pamahalaang Barangay ng Bonliw, kamakailan.

Ang pagpapasinaya ay dinaluhan ni Cong. Lord Allan Jay Velasco na siyang gumawa ng paraan upang maipatayo ang nasabing multi-purpose building.

Ayon kay Velasco, malaki ang maitutulong ng gusali para sa mga residente ng barangay lalo na kung may mga kalamidad tulad ng bagyo at baha sapagkat ito ang magsisilbi nilang kanlungan.

Nagkakahalaga ng humigit P6.7 milyon ang pondong inilaan dito ng gobyerno sa ilalim ng General Appropriations Act of 2022.

Samantala, namahagi rin ang kongresista ng pamaskong handog sa mga mamamayan katuwang ang Pusong Pinoy Partylist.