Muli ko pong ibinabalik ang panuntunan ng pamamathala sa lingkurang bayan - ito ang pamamahala na kaagapay ang Bathala o Panginoon. Dito ay walang puwang ang katamaran at pagwawalang-bahala. Bawa't sentimong mula sa ambag at buwis ng mamamayan sa kabang-bayan ay dapat suklian ng ibayong pagsisilbi sa bawa't sandali ng inyong pamamalagi sa mga tanggapan ng pamahalaang bayan. Bawa't sandaling ito ay nararapat igugol sa mayabong na paglilingkod.
Tayo pong lahat ang magsasama-sama at magsisikap para sa ating minamahal na bayan ng Boac. Ito po ang magiging susi ng ating matagumpay na pag-aalay ng mga dakilang patrimonya ng bayang ito para sa susunod na lahi ng Boakenyo. Ako po ang mangunguna sa pagkakamit natin ng pangarap na ito. Kaya sa kabuuang diwa ng ating pagkakaisa, ialay nating lahat sa Diyos ang ating pasasalamat sa Kanya, sa Kanyang patuloy na patnubay sa pamamagitan ng mga panalangin ng Mahal na Birhen ng Biglang Awa.
Mabuhay ang Boakenyo, mabuhay ang bayan ng Boac!
Roberto M. Madla
Municipal Mayor