MARINDUQUE.GOV.PH

Heart and Center of the Philippines

Headlines

Tuesday, September 11, 2018

Velasco at mga estudyante sa Marinduque, nagtanim ng Kawayan sa Mogpog


MOGPOG, Marinduque - Pinangunahan ni Marinduque Lone District Rep. Lord Allan Jay Velasco ang 'Scholars Day: Bamboo Planting Activity' na isinagawa ngayong Martes, Setyembre 11, 2018 sa barangay Capayang, bayan ng Mogpog.

Si Cong. Lord Allan Jay Velasco habang nagtatanim ng kawayan sa Mogpog

Ang mga mag-aaral na nakiisa sa pagtatanim ng Kawayan

Ang mga mag-aaral na nakiisa sa pagtatanim ng Kawayan

Ang mga mag-aaral na nakiisa sa pagtatanim ng Kawayan
Ang gawain ay nilahukan ng mga mag-aaral mula sa Marinduque State College (MSC) at iba pang kabataan na kasapi sa scholarship program na pinangangasiwaan ng opisina ng kongresista.

Tinatayang nasa dalawang libong puno ng kawayan ang itinanim ng mga mag-aaral at kalahok sa nasabing 'tree planting activity'.  -Marinduquenews.com