MARINDUQUE.GOV.PH

Heart and Center of the Philippines

Headlines

Wednesday, September 5, 2018

Problema sa suplay ng tubig sa barangay Lamesa at San Isidro, tutugunan


SANTA CRUZ, Marinduque - Kamakailan ay bumisita si Marinduque Provincial Administrator Baron Lagran sa Barangay Lamesa at Barangay San Isidro sa bayan ng Santa Cruz upang alamin ang pangunahing pangangailangan ng mga nabanggit na komunidad.

Ayon kina Kapitana Maricris Mercene ng Barangay Lamesa at Kapitan Porfirio Manuba ng Barangay San Isidro, bayan ng Santa Cruz, mahirap ang supply ng tubig sa kanilang barangay na minsan ay umaabot ng limang araw na walang tubig sa kanilang lugar. Humiling sila na kung maaari ay matulungan ng pamahalaang panlalawigan na magkaroon ng spill pipe para sa Barangay Lamesa at submersible pump naman sa Barangay San Isidro na agad namang inaprubahan ni Lagran.

Si Provincial Administrator Baron Lagran habang nakikipagpulong kay Kapitana Maricris Mercene
Source and photo courtesy of Marinduque Provincial Government / Marinduquenews.com