MARINDUQUE.GOV.PH

Heart and Center of the Philippines

Headlines

Tuesday, February 27, 2018

Sangkaterbang basura, nagkalat sa likuran ng lumang ospital sa Boac


Mukhang wala yatang Waste Management System ang lokal na pamahalan ng bayan ng Boac o ang Dr. Damian J. Reyes Memorial Hospital sa probinsya ng Marinduque sapagkat makikita sa kuhang larawan na ibinahagi ng isang concerned citizen sa Marinduque News ang sandamakmak na basura na nakakalat sa likurang bahagi ng lumang ospital doon.

Ayon sa concerned citizen, mga toxic hospital waste na kinabibilangan ng mga hiringgilya at plastic tubes ang basta na lamang itinapon sa lugar.

Sangkaterbang basura sa Dr. Damian J. Reyes memorial Hospital

#MakeADifference: Kabayan, help us to stay up, help us to buy a video camera


Sa aking pagkakaunawa, dapat ay mahigpit na ipinagbabawal ang pagtatapon ng hospital waste sa dumpsite gaya ng mga gamit na hiringgilya sapagkat maaaring magdulot ng panganib sa kalusugan ng tao ang mga ito kapag napabayaan.

Nanawagan tayo sa lokal na pamahalan ng bayan ng Boac at sa pamunuan ng nasabing hospital na agad itong aksyunan. -Marinduquenews.com