MARINDUQUE.GOV.PH

Heart and Center of the Philippines

Headlines

Thursday, October 6, 2016

Ex-mayor Briones patay, sa banggaan ng motor at bus sa Torrijos

TORRIJOS, Marinduque – Idineklarang wala nang buhay si dating mayor at ngayo’y konsehal ng bayan ng Torrijos, Marinduque na si Coun. Gil Briones ito ay matapos na mabangga ang kanyang sinasakyang motor ng isang pampasaherong bus bandang alas-6:40 ngayong umaga, Oktubre 6, 2016.




Ayon sa panayam ng Marinduque News Online kay Police Inspector Mikhail Gennadi Valeroso, Officer in Charge ng Torrijos Municipal Police Station, nangyari ang insidente sa tapat ng sementeryo ng nasabing bayan.

Bumisita diumano ang ex-mayor sa puntod ng asawa nito at noong pauwi na sakay ng kanyang motor habang tinatahak ang paakyat na bahagi ng kalsada patungong national highway ay aksidenteng nabangga ito ng Jac Liner bus.

Sa kasalukuyan ay nasa kustodiya na ng Torrijos PNP ang driver ng naturang bus.






Photo courtesy: Jhay-Ar Laylay Flores II

Kabayan I'm just one click, please share me para everybody, aware. Salamat!