TORRIJOS, Marinduque -- Pansamantalang hindi magagamit ang automated teller machine (ATM) ng Landbank at Cardbank na matatagpuan sa Poblacion, Torrijos matapos pagbabasagin ang mga screen nito gabi ng Sabado, Enero 21.
Ayon sa ulat ng Torrijos Municipal Police Station (MPS), bandang alas 7:40 ng gabi, isang lalaki ang lumapit sa ATM ng Landbank sa harap ng Torrijos Municipal Building at bigla na lamang nitong binato ang nasabing machine.
Ganito rin ang ginawa ng lalaki sa automated teller machine at digital cash machine ng Cardbank na matatagpuan malapit sa Torrijos Municipal Hospital.
Agad namang nakilala ang suspek na si Alyas Boy Bato (hindi tunay na pangalan), 36 anyos, naninirahan sa Barangay Sibuyao at may deperesya sa pag-iisip na sa kasalukuyan ay nasa kustodiya na ng Torrijos MPS. (Romeo A. Mataac Jr/MNN)
Sunday, January 22, 2023
Suspek na nanira ng mga ATM sa Torrijos, tiklo
Recommended Articles
- Marinduque-Police-Report
2 lalaki, arestado sa iligal na droga sa MogpogFeb 13, 2023
MOGPOG, Marinduque -- Arestado ng mga awtoridad ang dalawang lalaki na nahuling nagbebenta ng iligal na droga matapos ang isinagawang buy-bust operati...
- Marinduque-Police-Report
2 mangingisda na umano'y tulak ng droga, arestado sa GasanJan 24, 2023
GASAN, Marinduque -- Arestado ng mga awtoridad ang dalawang lalaki na tulak umano ng iligal na droga sa ikinasang buy-bust operation sa Barangay Bacon...
- Marinduque-Police-Report
Suspek na nanira ng mga ATM sa Torrijos, tikloJan 22, 2023
TORRIJOS, Marinduque -- Pansamantalang hindi magagamit ang automated teller machine (ATM) ng Landbank at Cardbank na matatagpuan sa Poblacion, T...
- Gasan
Gasan PNP, nagsagawa ng diyalogo kontra droga sa barangay LibtanginMar 31, 2017
Sa pangunguna ni SPO4 Rodel Lupig kasama ang kapulisan ng bayan ng Gasan ay nagsagawa sila ng pagbisita at diyalogo nitong Lunes, Marso 25 sa bara...
Newer Article
Marinduque State College, inaugurates newly renovated main gate
Older Article
3 bagong ambulansya, ipinagkaloob ng DOH sa Marinduque Provl Govt
Labels:
Marinduque-Police-Report