BOAC, Marinduque -- Isang 3.2 magnitude na lindol ang naramdaman sa lalawigan ng Marinduque ngayong araw, Enero 4.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), natunton ang sentro ng lindol sa layong 031 kilometro Hilagang Kanluran ng Boac bandang 10:02 ng umaga.
May lalim ang lindol na 001 kilometro at tectonic ang pinagmulan nito.
Wala namang naidulot na pinsala sa Boac at iba pang karatig-bayan.
Sinabi rin ng Phivolcs na walang inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.