MARINDUQUE.GOV.PH

Heart and Center of the Philippines

Headlines

Friday, December 14, 2018

Bila-Bila Festival sa Boac, naging masaya at makulay

Si Romeo Mataac, Jr., ng Marinduque News kasama si Bb. Araw ng Gasan Runner Up Crisnelle Garcia habang sakay ng float ng Dream Favor Travel & Tours at R. R. Encabo Constructors  

BOAC, Marinduque - Naging masaya at makulay ang pagdiriwang ng Bila-Bila Festival sa bayan ng Boac nitong Sabado, Disyembre 8.

Ang 'Civic & Uniformed Service and Bila-Bila Float Parade' ay bahagi ng isang linggong pagdiriwang ng ika-396 na Taong Pagkakatatag ng munisipalidad ng Boac.

Itinampok sa parada ang mga makukulay na float na gawa ng iba't ibang ahensya ng lokal na pamahalaan at pribadong sektor.

Marinduque Alliance of Butterfly Permittees Float

Balar Hotel and Spa Float

Dream Favor Travel & Tours and R. R. Encabo Constructors Inc. Float

Marinduque Dental Society Float

M. Lhuiller Financial Services Float 1

M. Lhuiller Financial Services Float 2

Marinduque Youth Core Float 1

Marinduque Youth Core Float Back Ride

Office of the Congressman Float

Philippine Institute of Civil Engineers-Marinduque Chapter Float

PLDT and Smart Float

Local Government of Boac Float

Ang aktibidad na pinangunahan ni Boac Mayor Roberto Madla ay nagsimula ganap na alas-8:00 ng umaga sa kahabaan ng T. Roque St. hanggang Pamintuan St. Poblacion at nagtapos sa Edmundo M. Reyes Sr. Sports Complex.

Umaasa naman ang mga 'organizer' na mas marami pang organisasyon ang makiisa sa susunod na taon -Marinduquenews.com