MARINDUQUE.GOV.PH

Heart and Center of the Philippines

Headlines

Thursday, September 20, 2018

Pictures speak for themselves; Velasco loyal kay Arroyo


TORRIJOS, Marinduque - Nitong nakalipas na araw ay naging usap-usapan at laman na naman ng pahayagan at mga balita si Marinduque Lone District Rep. Lord Allan Jay Velasco.

Nabuhay na naman kasi ang isyu na siya umano ang susunod na Speaker ng House of Representatives.

Agad namang pinabulaanan ng kongresista ang balita.

"I categorically deny any involvement in any plans whatsoever to unseat the Speaker," pahayag ni Velasco.

Ilang miyembro ng Kongreso kasama si Speaker Arroyo
"I assure Speaker GMA that I am not behind any plot to challenge her leadership, and I wish to put to rest all further rumor-mongering. We are unequivocal in our support for Speaker GMA from day one and oppose attempts to sow disunity and mistrust in the House", dagdag pa ng mambabatas.

Ilang miyembro ng Kongreso kasama si Speaker Arroyo
Kahapon ay nagpost si Velasco sa kanyang Facebook account ng mga larawan habang masayang nagpupulong kasama si Speaker Arroyo, kanyang maybahay na si Wen at iba pang miyembro ng Kongreso. -Photo courtesy of Cong. Lord Allan Jay Velasco / Marinduquenews.com