MARINDUQUE.GOV.PH

Heart and Center of the Philippines

Headlines

Thursday, September 20, 2018

Orientation on Rapid Land Tenure Appraisal Program, isinagawa sa Boac


BOAC, Marinduque - Isinagawa ang "Orientation on Rapid Land Tenure Appraisal (RLTA) Program" nitong Miyerkules, Setyembre 19 sa Casa Real Building, Poblacion, Boac, Marinduque.

Ang programang ito ay pinangunahan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa pamumuno ni Imelda Diaz, officer in charge ng Provincial Environment and Natural Resources (PENR) at sinuportahan naman ni Marinduque Gov. Carmencita Reyes gayundin ni Boac Mayor Roberto Madla.

Si Imelda Diaz, PENR officer habang nagbibigay ng mensahe
Layunin ng programang ito na magabayan ng tama ang mga mamayang naninirahan sa bayan ng Boac hinggil sa mga lupain na kanilang pag-aari.

Ang mga mga dumalo sa oryentasyon mula sa lokal na pamahalaan ng bayan ng Boac.
Sa mensahe ni Gov. Reyes, hinikayat nito na magtulungan ang bawat isa upang marami pa ang mabiyayaan lalo na ang mga heridero na kulang ang kaalaman sa kanilang mga lupain at masigurong makukuha nila sa legal at tamang proseso ang kanilang mga pag-aaring lupain. -Source and photo courtesy of Marinduque Provincial Government / Marinduquenews.com