MARINDUQUE.GOV.PH

Heart and Center of the Philippines

Headlines

Monday, January 22, 2018

Pawikan nalambat sa bayan ng Mogpog


MOGPOG, Marinduque - Isang pawikan ang nahuli sa lambat ng mga mangingisda sa barangay Ulong, Mogpog.

Ang pangyayari ay nasaksihan ng biker na si Macmac Naranjo. Ayon sa kanya, "Natutuwa ako sapagkat hindi nagdalawang isip ang mga mangingisda na pakawalan at ibalik ang pawikan sa karagatan."

Tinatayang aabot sa 30-50 ang kilo ng pawikan.

Pangalawa na umano ito sa nahuli at pinakawalan nilang pawikan sa loob lamang ng buwang ito.


Ang mga pawikan ay itinuturing na endangered species.

Larawang kuha ni Macmac Naranjo. Marinduquenews.com