MARINDUQUE.GOV.PH

Heart and Center of the Philippines

Headlines

Wednesday, May 27, 2015

Personal Blog: Unsung Heroes of Marinduque

The author at Hongkong Disneyland
Ang aking paglakwatsa, ika nga ni ama, sa mga bansang dating Kolonya ng Britanya at Portugal, Hongkong and Macau respectively, ay isang karanasang bagay na hindi ko makalilimutan. Isang alaalang puno ng kasiyahan, malutong na tawanan, konting sisihan, maraming kwentuhan at umaatikabong na kodakan. Isang alaalang puno ng pagpupugay at pasasalamat. Pagpupugay sa mga taong isinasakripisyo ang buhay, nagtitiis ng lungkot, sapagkat sa pamilya ay matagal na nawalay, upang sa ibayong dagat, magbatak ng sarili at doon maghanap-buhay. Ang puyat at pagal na katawan ay hindi alintana dahil kailangang mabigyan ng kaunting alwan, sapat na pagkain at tamang edukasyon ang kanilang mga inspirasyon, mga anak, magulang, asawa at mga kapatid. Sila nga ang mga bayani ng bagong henerasyon, na tahimik na lamang na lumuluha sa silid na mapanglaw, kapag ang ‘homesick’ at pagsubok ay dumaratal. Sila nga ang mga unsung heroes ng ating lipunan, na tahimik na lamang na nagdarasal at umuusal ng panalangin sa Poong Maykapal upang ang lahat ng ito ay kanilang malagpasan.

Ang may akda kasama ang Marinduque Migrant Workers Association, Macau

Pasasalamat, sapagkat sa munting sandali na kayo ay aking nakaulayaw, ipinadama n’yo sa amin, sa akin ang pagmamahal. Salamat sa pag-a-asikaso, pagtuturo ng tamaang daan at lugar upang diyan ay hindi maligaw, pero naligaw pa rin sa Macau. (lols) Salamat sa pagkaing libre. Salamat sa pamasahe sa Taxi lalo’t higit salamat sa oras at pagpapahalaga. Salamat Roxan Briones (Torrijos), Tita Onnie Ricamara (Sta. Cruz), Ate Arlene Permejo (Torrijos) at sa lahat ng bumubuo ng Marinduque Migrant Workers Association na aming nakasama sa isang hindi makalilimutang pagliliwaliw. Ako po ay taas noong sumasaludo sa inyo. Sa lahat ng OFW’s, Mabuhay po kayo!

Marinduque Migrant Workers Association, Macau

Posted by Romeo Mataac Jr, Marinduque News Portal

Personal Articles: