4P's Logo, a program of DSWD |
BOAC, Marinduque - May 281 magaaral ang nabigyan ng ESGPPA Grants ngayong taon. Ang ESGPPA ay ang Expanded Student Grants in Aid Program for Poverty Alleviation ng Department of Social Welfare and Development Office, na ipinapatupad na dito sa lalawigan ngayong SY 2014-2015.
Ang mga anak na kasapi ng 4Ps o Pantawid Pamilyang Pilipino Program na “deserving” o may kakayanang mag-aral sa kolehiyo ay maaring mabigyan ng opportunidad upang makapagaral sa ilalim ng ESGPPA sa isang pampubliko o pribadong paaralan.
Sa ESGPPA mabibigyan ang mag-aaral ng P30,000.00 bawat semester sa looban ng apat na taon, upang hanggang sa huling taon at pagtatapos ng kolehiyo ay suportado ang mga ito. Ang grant na ito ay nakalaan sa sumusunod: P10,000.00 para sa Tuition Fee, 3,500.00 para sa boar and lodging at transportation allowance at P2,500.00 para sa book allowance.
Maraming kurso ang maaring pagpilian ng mga grantees sa MSC ayon kay Ms. Grace Minay (DSWD) kagaya ng; Information Technology, Agriculture, Education-Elementary & Secondary, Science & Math, Engineering, Health Sciences, Arts and Humanities, Psychology and BS Social Work. Ang iba pang kurso subalit hindi offered sa MSC ay ang Atmospheric Science at Environmental Science.
Ayon kay Ami Esparcia, head ng 4Ps provincial link-Marinduque, walang nakatalagang grado ang dapat makuha ng estudyante subalit kailangan maipasa ang lahat ng subjects nito at ang magulang ay sumusunod palagi sa mga alituntunin at regulasyon ng DSWD kagaya ng obligasyon nitong magpa-check up ng mga maliliit pang anak, dumalo sa mga pagpupulong at ang mga magaaral ay hindi lumiliban ng walang mahalagang kadahilanan.
Dagdag pa ni Esparza, may 11,328 4Ps beneficiaries na ang lalawigan. Mayroon namang monitored children sa paaralan o sa edukasyon na may bilang na 23,724 at sa Health – 3, 835 na mga bata na may edad 0-5 at 3-5 taong gulang.
Courtesy from Philippine Information Agency-Marinduque (MNL/PIA-4B/Marinduque)