MARINDUQUE.GOV.PH

Heart and Center of the Philippines

Headlines

Friday, September 21, 2018

Spokesperson Harry Roque, bumisita sa Marinduque


TORRIJOS, Marinduque - Bumisita si Presidential Spokesperson Harry Roque sa probinsya ng Marinduque ngayong araw, Setyembre 21.

Si Sec. Roque kasama ang mga kapulisan ng Marinduque
Ito ay upang saksihan ang paggunita ng pamahalaang panlalawigan sa pagdiriwang ng Labanan sa Pulang Lupa na dapat sana'y isinagawa noon pang Setyembre 13 subalit dahilan sa masamang lagay ng panahon dala ng bagyong Ompong ay pansamantalang kinansela.

Nag-alay ng bulaklak sa mga bayani ng Pulang Lupa si Sec. Roque kasama si Gov. Reyes
Dumating ang sinakyang helicopter ni Roque sa Torrijos Central School (TCS) sa bayan ng Torrijos, bago mag alas 10:00 ng umaga kanina. Sinalubong ito ni Marinduque Gov. Carmencita Reyes at iba pang pinuno ng lokal na pamahalaan.

Si Sec. Roque kasama si Gov. Reyes at mga alkalde, bise alkalde ng lokal na pamahalaan
Agad namang nagtungo si Roque sa Pulang Lupa site sa barangay Bolo, kung saan ito ang inasahang panauhing pandangal.

Si Sec. Roque kasama si Torrijos Municipal Police Chief Dennis Mauricio
Pagkatapos ng gawain sa Pulang Lupa ay bumisita naman si Spokesperson Roque sa Marinduque State College-Torrijos Campus upang magbigay-mensahe sa mga guro at lider-estudyante ng nasabing paaralan. -Photo courtesy Sec. Harry Roque and Torrijos Municipal Police / Marinduquenews.com