MARINDUQUE.GOV.PH

Heart and Center of the Philippines

Headlines

Thursday, May 5, 2016

Pagbisita ni Duterte sa Marinduque Ngayong Araw, Kasado na

Davao City Mayor Rodrigo Duterte | Photo: Philippine Star

Bibisita ngayong araw, Huwebes, Mayo 5, 2016 si Mayor Rodrigo "Digong" Duterte sa lalawigan ng Marinduque.

Ang Presidential Campaign Rally ay gaganapin sa People's Park formerly Guingona Park sa Gasan, Marinduque sa ganap na ika-isa ng hapon. Matatandaan na una ng inanunsyo na sa Marinduque State College Oval, Boac, Marinduque idaraos ang nasabing pagtitipon subalit hindi ito natuloy matapos 'di umano aprobahan ng *MSC Board of Trustees ang kahilingan ng mga organizers.

People's Park Marinduque, Gasan | Photo: Seller Nolos


Inaasahan na magdaragdag ng kasiyahan sa naturang event ang mga susunod na performers:
  • Takerz Band
  • Damorions
  • Gilinggiting
  • Moymoy Palaboy
  • K Brosas
  • Freddie Aguilar
  • Chocolate Factory
People's Park in Gasan, Marinduque, Almost Ready | Photo: Seller Nolos

Nagpaalala naman si Seller Nolos, main event organizer, na magdala ng sariling "bottled water" gayundin ng anumang panangga sa init ng araw.

Request: Para sa mga post na may kinalaman sa pagbisita ni Duterte sa Marinduque mangyaring gamitin ang hashtag na #DU30Marinduque upang madaling masundan ang mga kaganapan.

*Bukas ang portal news na ito sa anumang paliwanag ng MSC BOT.