GASAN, Marinduque -- Arestado ng mga awtoridad ang dalawang lalaki na tulak umano ng iligal na droga sa ikinasang buy-bust operation sa Barangay Bacong Bacong, bayan ng Gasan.
Kinilala ng Gasan Municipal Police Station (MPS) ang mga suspek na sina Alyas Tiktik, 42 anyos, residente ng Barangay Banuyo, Gasan at Alyas Batik, 33 anyos, taga Barangay Daykitin, Buenavista, kapwa mangingisda at tinaguriang bagong 'high value individuals'.
Nasamsam sa mga suspek ang hinihinalang shabu na tumitimbang ng humigit-kumulang 0.7 gramo na nagkakahalaga ng P2,000 matapos magbenta sa isang asset na nagpanggap na buyer.
Nasa kustodiya na ng pulisya ang mga suspek at mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (RAMJR/AMKDA/MNN)
Tuesday, January 24, 2023
2 mangingisda na umano'y tulak ng droga, arestado sa Gasan
Recommended Articles
- Marinduque-Police-Report
2 lalaki, arestado sa iligal na droga sa MogpogFeb 13, 2023
MOGPOG, Marinduque -- Arestado ng mga awtoridad ang dalawang lalaki na nahuling nagbebenta ng iligal na droga matapos ang isinagawang buy-bust operati...
- Marinduque-Police-Report
2 mangingisda na umano'y tulak ng droga, arestado sa GasanJan 24, 2023
GASAN, Marinduque -- Arestado ng mga awtoridad ang dalawang lalaki na tulak umano ng iligal na droga sa ikinasang buy-bust operation sa Barangay Bacon...
- Marinduque-Police-Report
Suspek na nanira ng mga ATM sa Torrijos, tikloJan 22, 2023
TORRIJOS, Marinduque -- Pansamantalang hindi magagamit ang automated teller machine (ATM) ng Landbank at Cardbank na matatagpuan sa Poblacion, T...
- Gasan
Gasan PNP, nagsagawa ng diyalogo kontra droga sa barangay LibtanginMar 31, 2017
Sa pangunguna ni SPO4 Rodel Lupig kasama ang kapulisan ng bayan ng Gasan ay nagsagawa sila ng pagbisita at diyalogo nitong Lunes, Marso 25 sa bara...
Newer Article
2 estudyante mula Santa Cruz, pasok sa patimpalak sa Austria
Older Article
Marinduque State College, inaugurates newly renovated main gate
Labels:
Marinduque-Police-Report