Ibinahagi ni DILG-Marinduque Provincial Director Frederick C. Gumabol ang mahalagang gampanin ng kanilang tanggapan habang ang bansa ay nasa ilalim ng Health Emergency Crisis.
Ayon kay Gumabol, malaki ang papel na ginagampanan ngayon ng DILG sapagkat sa kanila inaatas ang pagpapatupad sa mga LGU’s ng mga resolusyon na inilunsad ng Inter-Agency Task Force on COVID-19.
Sinabi rin ni Gumabol na mahigpit nilang tinututukan ang performance ng mga local chief executive sa probinsya at iba’t ibang munisipalidad base na rin sa Advisory on Mandatory Presence of Local Chief Executives na inilabas ng DILG.
Nagbigay rin ng datos si Gumabol sa hinggil bilang ng mga Locally Stranded Individuals at Returning Overseas Filipinos na nakauwi na sa lalawigan.
Nakiusap at nagpaalala rin ang provincial director sa mga netizen na huwag magpakalat ng mga maling impormasyon sa social media na may kaugnayan sa COVID-19. - Marinduquenews.com