BOAC, Marinduque - Para sa kaalaman ng lahat, ang ‘Paruparong Bakla’ ay totoo at hindi kathang-isip lamang. Ito ang tawag ng mga lokal na nagpaparami ng paruparo dito sa isla ng Marinduque.
Sa Ingles, ang tawag dito ay ‘Aberrant’. Ang aberrant o paruparong bakla ay iyong uri ng Bila-Bila – lokal na katawagan ng Marinduqueno sa paruparo, ay may kakaiba o bukod tanging kombinasyon ng kulay na ‘di pangkaraniwan sa isang grupo o species ng mga paruparo.
Poplar admiral, a butterfly in the subfamily Heliconiinae of the family Nymphalidae. Photo by Adam Gor |
Bagaman at bihira lamang na lumabas ang 'aberrant' o paruparong bakla, ito ay itinuturing ng mga ‘butterfly breeders’ na biyaya ng Maykapal dahil sa ginhawang dulot nito sa kanilang kabuhayan.
Kung kaya't mataas ang pagpapahalaga ng mga 'butterfly breeders' sa isla ng Marinduque na ingatan ang industriyang ito sa pamamagitan ng pangangalaga sa kanilang mga 'production areas'.
Leodegario Layron, owner of Marl Insects and Butterfly Garden in Cawit, Boac introduces different species of butterfly to the guests from Department of Tourism. Photo by Toby Jamilla |
At lagi silang umaasa na sa bawat pag-ani nila ng kanilang pinaparaming bila-bila ay may lumabas na paruparong bakla.
Department of Tourism-Mimaropa Regional Director Ma. Luisa Diploma, visits one of the butterfly farms in Marinduque. Photo by Toby Jamilla |
This story was written by Dr. Josue M. Victoria, a provincial veterinarian in the island of Marinduque.