MARINDUQUE.GOV.PH

Heart and Center of the Philippines

Headlines

Tuesday, January 30, 2018

Hayden Kho, muling bumisita sa Marinduque


Sakay ng isang chartered plane, bumisita ngayong araw, Enero 30 sa Marinduque ang celebrity doctor at ngayon ay isa ng ganap na Kristiyano na si Hayden Kho.

 Ayon sa report, balak umano ng grupo ni Kho na magtayo ng resort sa lalawigan.

Samantala, sa kanyang Instagram account ay masayang ibinahagi ni Kho ang muli nilang pagkikita ng kanyang dating yaya na ngayon ay isa ng guro sa probinsya. Ayon pa sa post ni Kho, si Teacher Amalia, ay pinag-aral ng mga magulang ng actor.

Si Hayden Kho ay anak nina Dr. Hayden Kho, Sr. at Irene dela Santa na nagmula naman sa bayan ng Boac. -Marinduquenews.com