Photo courtesy: Lovely Revilla |
Nagpanic ang ilang pasahero ng M/V Montenegro matapos itong magpaikot-ikot sa karagatan upang sagipin ang ilang mangingisda na nahulog mula sa isang tumaob na bangka.
Umalis ang M/V Montenegro sa pantalan ng Cawit, Boac patungong Talao Talao Port, Lucena mga alas-8 ng gabi kanina subalit wala pang isang oras na paglalakbay ng mapansin ng mga pasahero ang pagbagal ng takbo at pag-ikot ikot nito na tila ba may hinahanap. Ayon sa impormasyon na aming nakalap, nabangga diumano ng nasabing barko ang bangka na sinasakyan ng mga mangingisda.
Dagli namang rumesponde ang mga staff at crew ng M/V Montenegro at nailigtas ang tatlong mangingisda. Dahil sa pangyayari, bumalik ang M/V Montenegro sa pantalan ng Cawit upang sila ay ihatid.
Photo courtesy: Lovely Revilla |
Photo courtesy: Lovely Revilla |
Sinisikap pa naming kuhanan ng pahayag ang management ng M/V Montenegro gayundin ang Marinduque Cost Guard upang berepikahin ang ulat na ito.
Posted by Romeo Mataac, Jr., Marinduque News Portal