MV Virgen Penafrancia, Star Horse Lines |
Boac, Marinduque - Ayon kay Philippine Coastguard Commander (PCG), Balanacan Station PO1 Emilio Quimora, ang mga biyahe ng Star Horse Shipping Co., mula Talao-Talao Port papuntang Balancan Port, Mogpog ay ang sumusunod:
Umaga: 11:00 | 2:30 | 5:30 | 7:30 | 9:00 | 10:30
Hapon: 1:30 | 3:30 | 5:00
Gabi: 6:30 | 9:30 | 11:30
Wala pang inilalabas ang nasabing kumpanya kung ito ay may biyahe sa Biyernes Santo subalit karaniwan na walang byahe sa araw na nabanggit ang mga barko sa pagbibigay galang sa pag-alaala sa pagkamatay ni Kristo, dagdag pa ni Quimora.
Magkakaroon ng pagpupulong bukas ang Philippine Port Authority at PCG at maaaring matapos nito ay malalaman kung gagamitin ang Cawit Port ngayong dagsa ang tao para sa 2015 Semana Santa at kung magdadagdag din ng barko ang Montenegro Lines.
Ayon sa isang ordinaryong byahero at isang kawani ng pamahalaan, sa paggunita ng Semana Santa, disiplinado ang kailangan upang mapanatili ang kapayapaan ng mga pasahero o ng mga autoridad ng transportasyong pandagat man. Sumunod sa mga patakaran, pumila ng maayos, at gamitin ang mga upuan ng tama at huwag gawing higaan upang makaupo ang mas marami. Ipatupad ang batas ng walang kinikilingan upang ang tao huwag magalit at maki-pagsiksikan.Gumawa ng tamang sistema upang masunod ang tamang bilang lamang ng mga pasahero sa barko pati na ang bilang ng mga sasakyan para sa kaayusan at kaligtasan ng lahat.
Source and courtesy: Philippine Information Agency-Marinduque, MNL