Mr. Pedrito Nepomuceno |
Isa pa pong dahilan kung bakit ako tumututol ay dahil sa kawalan ng program o pagpaplano kung saan gugulin ang P500,000,000.00. Idagdag na rin natin ang halaganag P120,000,000.00 na hindi ginastos ng pamahalaang panlalawigan at ito ay maaring ilaan sa pangangailangan sa mga pangunahin proyekto ng lalawigan.
Inuulit ko po hindi natin kailangan mangutang dahil napakaraming pondo, na ang dapat lamang nating gawin ay mag drawing, magplano at gumawa ng program at hilingin sa national govertnment na kaalyado naman ng kasalukuyan administrasyon, na laanan ng pondo para maisakatuparan. Maaring ito ay sa mga kalsada at tulay, eskwelahan o sa pagamutan.
Taong 2013
Taong 2013
Katugunan sa mga pahayag ng Kgg. na Gobernador Carmencita O. Reyes kaugnay sa balakin ng Pamahalaang Panlalawigan na mangutang muli ng milyon milyon piso, karagdadan sa P75,000,000.00 unang inutang sa banko ng nakaraang administrasyon ng dating Gobernador Jose Antonio N. Carreon.
Ang sambayanang Marinduqueno po ay nangangamba sa binabalak na pag-utang muli ng milyon-milyon piso ng kasalukuyang administrasyon ng butihing Gobernador Carmencita O. Reyes. Sa punto pong ito na nagbigay ng mga pahayag ang ating Gobernador hinggil sa binbalak na pag-utang ng Pamahalaang Panlalawigan ako po bilang isang mamamayang nagmamalasakit at nangangamba rin para sa ating magandang kinabukasan, at bilang dating Mayor ng Boac at dating Bokal ng lalawigan at bilang isang bankero na may sapat na kaalaman sa pananlapi, pribado man o pampubliko, ay nagbibigay ng mga tugon o mga sagot sa mga pahayag ng ating butihing Gobernador Carmencita O. Reyes.
Una: Matindi ko pong pinabubulaanan na ang aming pagtutol at pangangatuwiran ay mula sa pinalabo at malisyosong pananaw na may halong pulitika . Wala po kaming balak na wasakin ang pagkakaisa ng mga Marinduqueno. Isa lamang po ang gaming layunin, ang pangalagaan ang interes at kapakanan ng bawat Marinduqueno sa pamamraang maayos, mahinahon, makatarungan at naayon sa batas;
Ikalawa: Tama po, ang ekonomiya ng ating lalawigan ay nakasandal sa tradisyunal na industriya; ang pangingisda, pagsasaka at paghahayupan na sa matagal ng panahon ay napabayaan at walang naging pag-unlad, kaya hanggang ngayon ay umaasa pa rin tayo sa halos namamatay nang industriya ng pagniniyog. Sa hinaba-haba ng panunungkulan ng nakaupong gobernador, mawalang galang na po, maitaanong ko lamang, bakit wala tayong nabuo o naitayong industria at mag kalakalang makapagbibigay ng trabaho at hanapbuhay sa ating mga kababayan? Bakit hanggang ngayon ay umaasa tayo sa pagniniyog samantalang alam na natin na hindi na maasahan ang industriya ng niyog mahigit ng 40 taon ang nakakaraan;
Ikatlo: Totoo po wala tayong base ng pagkakakitaan tulad ng ibang bayan na maraming pumapasok na namumuhunan na nagkapagpaunlad ng kalakalan at nagtatayo ng mga industriya. Bakit nga po baga walang pumapasok na namumuhunan sa ating lalawigan. Isa po at alam nating lahat na ang pinakamabigat na dahilan ay ang kawalan ng maayos, maasahang supply ng kuryente, patubig, at iba pang pangunahing pangangailanagn ng mamamayan at ng mga nangangalakal at ng namumuhunan sa pagtatayo ng negosyo at industriya sa isang lugar. Salat po tayo sa mga pangunahing pangangailangan at dahil dito ay maitatanong po natin kung ano ang nangyari sa mga dekadang dumaan na sana ay naisaayos na at naitayo ang mga pangunahing inpraestruktura ng ating lalawigan. Sa kawalan ng maayos na programa at pamamalakad, hanggang ngayon ang ating lalawigan ay salat at sa mahabang panahon ay naghahangad pa rin ng mga simple at pangunahing pangangailangan, tulad ng maayos kalsada, eskwelahan at maayos na hospital at kuryente at patubig;
Ikatlo: Totoo po wala tayong base ng pagkakakitaan tulad ng ibang bayan na maraming pumapasok na namumuhunan na nagkapagpaunlad ng kalakalan at nagtatayo ng mga industriya. Bakit nga po baga walang pumapasok na namumuhunan sa ating lalawigan. Isa po at alam nating lahat na ang pinakamabigat na dahilan ay ang kawalan ng maayos, maasahang supply ng kuryente, patubig, at iba pang pangunahing pangangailanagn ng mamamayan at ng mga nangangalakal at ng namumuhunan sa pagtatayo ng negosyo at industriya sa isang lugar. Salat po tayo sa mga pangunahing pangangailangan at dahil dito ay maitatanong po natin kung ano ang nangyari sa mga dekadang dumaan na sana ay naisaayos na at naitayo ang mga pangunahing inpraestruktura ng ating lalawigan. Sa kawalan ng maayos na programa at pamamalakad, hanggang ngayon ang ating lalawigan ay salat at sa mahabang panahon ay naghahangad pa rin ng mga simple at pangunahing pangangailangan, tulad ng maayos kalsada, eskwelahan at maayos na hospital at kuryente at patubig;
Sa mga nakalipas na panahon po ay masasabi kong meron tayong naging base ng ating pagkakakitaan, ang pagmimina. Pero bakit po wala tayong napala sa halos 30 taong pagmimina sa ating lalawigan. Tandaan po natin na ang pagmimina, pag nahukay na po ang mineral sa ating lupain ay yaan po ay tuloyan ng nawawala kaya nararapat lamang na ang kapalit ay ang tamang buwis na maipagpapagawa ng mga pangunahing pangangailangang inprastruktura. Noog panahon ng pagmimina ang Balanacan Road at ang Circumferential Road na 120 km lamang ay hindi man lamang naipatapos masementuhan. Bakit wala tayong napala sa pagmimina sa ating lalawigan, Napinsala pa ang ilog Boac at nakaamba pa ang panganib ng mga Dams sa Marcopper.
Ikaapat: Totoo po na may mga kalsada, tulay at eskwelahan na napagawa na, subalit hindi pa rin kumpleto at hanggang ngayon po ay hindi pa rin tapos ang pangunahin kalsada sa buong lalawigan.
Ikaapat: Totoo po na may mga kalsada, tulay at eskwelahan na napagawa na, subalit hindi pa rin kumpleto at hanggang ngayon po ay hindi pa rin tapos ang pangunahin kalsada sa buong lalawigan.
Kahit sino naman po ang nag-upo bilang Congressman o Gobernador ay taon taon ay may pondong inilalaan para sa mga Congressional District at ito ay sa pagpapagawa ng mga pangunahing inprastruktura ng mga Distrito, tulad ng mga kalsada, tulay, eskwelahan, atb.. Kahit sino po ang Congressman ay maitatayo ang mga eskwekahan, magagawa nag mga kalsada at tulay, at mga iba ng gawaing pang-nasyunal. Ganyan din po ang sa pagpapailaw – ito po isang National Government Project at kahit sino ang naka upong Congressman ay ito ay darating sa ating lalawigan. Hinid po dapat akuin ito ni Gobernadotr Reyes na siya ang nagpagawa dahil lahat ng ito na proyekto ng natiobnal government nation llamang na siya ang nakaupo bilang congressman noong panahong na ipinatutupad ang pagpapailaw sa mga probinsiya, at kanayunan. Ganoon din po san mga kalsada ay tulay at eswkwelahan . Ang tanong po naman, bakit hindi naging sapat ang pagpapagawa nila sa loob ng napakahabang panahon nila sa katungkulan. Inuulit ko po, kahit sino po ang nakaupo ay darating sa ating lalawigan ng mga proyektong pang-nasyunal.
Kung ating po ihahambing ang mga nagawa sa loob ng mahabang panahong sa ating lalawigan at ang nagawa sa ibang bayan at ibang mga lalawigan, makikita po natin ang malawak na agwat sa mga inpraestruktura. Naiwan na po tayo sa lahat ng aspeto ng kaunlaran, inpraesturktura, ekomomiya at kabuhayan.
Ikalima: Totoo po napakaliit ng ating kinikita sa ating lalawigan, ngunit hindi po ibig sabihin nito ay hindi natin makakamit ang kaunlaran sa ating lalawigan. Nasa maayos na pag-paplano at pamamahala at tamang paghawak ng pananalapi nakasalalay ang pag-unlad ng ating lalawigan. Hindi po natin masasabing dahil sa kakarampot na ayuda na galing sa Pamahalaang Nasyonal sa pamamgitan ng “Internal Revenue Allotment” (IRA) ay hindi na natin maisusulong ang kaunlaran ng ating lalawigan. Ang halagang P360 Million mula sa IRA ay hindi natin masasabing kakarampot. Hindi rin kakarampot ang tunay na kinikita ng lalawigan na P26 Million. Nasa maayos na paggamit ng pananalapi lahat nakasalalay ang ating pag-unlad. Maliban po sa nabanggit ng halaga ay meron pang P70 Million ang ating Congresista at nadadagdagan pa ito taon taon. Meron nga pong taon na mahigit sa P300 Million ang mga proyektong pinapatupad ng Department of Public Works and Highways (DPWH), at hind pa rin po kasama ang nilalaan ng ibang mag Departamento ng Pamahalaang Nasyunal. Marami pong pananalpi ang ang pamahalaan at hinid kinakailangang mangutang sa Banko para maisulong ang proyektong pangkaunlaran ng bayan.
Ikaanim: Parang ngayong lamang po nasabing marubdob niyang hangarin madulutan ng kaginhawahan ang ating mga kababaynan sa kanilang paglalakbay sa isang maayos na konkretong daan. Napakatagal naman po niya bago napansin ang ating kasalatan sa maayos na daan. Ano po ang ginawa nila noong sila ay magkatuwang sa loob ng 9 na taon?
Ikapito: Sinasabi po kinakailangang mangutang ng pamahalaang panlalawigan na gugulin sa mga sumusunod:
Ikaanim: Parang ngayong lamang po nasabing marubdob niyang hangarin madulutan ng kaginhawahan ang ating mga kababaynan sa kanilang paglalakbay sa isang maayos na konkretong daan. Napakatagal naman po niya bago napansin ang ating kasalatan sa maayos na daan. Ano po ang ginawa nila noong sila ay magkatuwang sa loob ng 9 na taon?
Ikapito: Sinasabi po kinakailangang mangutang ng pamahalaang panlalawigan na gugulin sa mga sumusunod:
- Farm to Market Road - hindi po natin kailangang mangutang para sa Farm to Market road dahil ang Department of Agriculture (DA) at Department of Agrarian Reform (DAR) ay pupuwedeng pagkunan ng pondo para sa pagpapagawa ng Farm to Market road;
- Pagpapaayos ng Marinduque Airport - hindi kinakailanagn gastusan yan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Marinduque dahil yan po ay nasa pamamahala ng Nasyunal na Pamahalaan at ang mga proyektong pagpapaayos po ng Paliparan, tulad ng Daungan ay nasa poder ng National Government. Bakit po natin aakuin at gagastusan ang proyektong dapat ay ginagawa ng National Government?
Sinasabi po ang utangin ay isang “Credit Line” lamang na sasagot sa mga gagastusin sa pagpapagawa ng Airport. Ito po ay isang panglilinlang dahil wala pong ganyan sistema sa ating pamahalaan. Hindi rin po kapanipaniwala na isasauli ng Department of Transportation and Communication ang halagang gagastusin sa pagpapagawa ng airport. Sa piniiral sa polisiya ng pamahalaan, lahat po na sinasabi nila ay walang katutuhanan. Ang Credit Line po ay ginagamit sa negosyo pero sa pamahalaan po ay walang gumagawa ng ganito.
Meron pamamaraan ng isang pag-garantiya sa isang proyektong gagawin para mapatibay ang pagbabayad sa isang nangunguntrata. Ito po ay ang tinatawag na “Letter of Credit” na sa pagtatapos ng isang kontrata ay siyang sasagot sa pagbabayad. Pero hindi rin po ito karaniwang ginagamit sa Pamahalaan.
At kung totoo pong garantiya lamang ang inuutnag nasaan po ang mga kontrata o Memorandum of Agreement (MOA) mula sa DOTC at sa Banko at Provincial Governtment of Marinduque (PGM)?
Bakit ngayon lamang naisip na ipagawa ang Airport na sa napakatagal ng panahon ay hindi sila nagpursiging hilingin sa DOTC ang pagpapaayus ng ating airport. At isa pa, ano po ang nangyari sa proyektong sinimulan noong 1998 na naglalayun na pahabaain ang airport runway. Isa po sa dahilan kung bakit tumigil ang pag serbisyo ng PAL sa Marinduque ay ang short runway, kaya naman ito ay ipinagawa noong bago magdekada 2000, Kaya nga lamang po, mukhang hinid natapos, Tapos daw ang pondo pero hindi natapos ang proyekto.
Tulad po sa aking pagpupursige noon sa pagpapagawa ng Talao talao Access Road sa Dalahica Commercial Port (noong panahon na walang gumagalaw na mga pulitiko dahil sa mga botanteng eskwater sa lugar ng Talao-talao) at para na rin mabuksan at magamit ito para sa mga pasahero ng Marinduque, sana ay nangulit din sila noon pa man para maipagawa ay ating Airport.
Ununulit ko po wala pong basehan at walang bisa ang garantiyang sinasabi sa ulat ng butihing Gobernador Carmencita O. Reyes.
Nakakatawa po ang sinabing ang uutangin ay Credit Line lamang, pero gagastusin sa pagpapagawa ng Airport at ito ay babayaran ng DOTC. Kailan at saan po kayo nakakita na ang mahirap na lalawigan ang magpapagawa ng proyektong dapat ay gugulan ng Pamahalaang Nasyonal.
Ikawalo: Tungkol po sa P75. Million Loan ng nakaraang Administrasyon ni Gov. Bong Carreon na sinabing hinid pa rin dumarating ang mga heavy equipment, ang totoo po nito ay hindi nila kinukuha sa Pier ang mga natitirang ekwipo na hindi nailabas noong termino ni Gov. Bong Carreon dahil sa hindi malaman kung sino raw ang magbabayad ng cost of storage at Demurrag ng kinakalawang na ekwipo sa pier. Ang totoo po ay saguting yan ng Pamahalaang Palalawigan kung walang tinutukoy sa kontrata kung sino ang magbabayad ng singil sa storage at demurrage.
Ikawalo: Tungkol po sa P75. Million Loan ng nakaraang Administrasyon ni Gov. Bong Carreon na sinabing hinid pa rin dumarating ang mga heavy equipment, ang totoo po nito ay hindi nila kinukuha sa Pier ang mga natitirang ekwipo na hindi nailabas noong termino ni Gov. Bong Carreon dahil sa hindi malaman kung sino raw ang magbabayad ng cost of storage at Demurrag ng kinakalawang na ekwipo sa pier. Ang totoo po ay saguting yan ng Pamahalaang Palalawigan kung walang tinutukoy sa kontrata kung sino ang magbabayad ng singil sa storage at demurrage.
Sa akin pong palagay, dahil po sa pamumulitika ay hindi na kukunin ang mga natitirang ekwiposa pier sa Maynila. Dahil matagal na pong panahon ang lumipas ang mga equipment po ay considered abandoned na at sa aking pagtantiya ay nailit na ng Bureau of Customs (BOC) o ibang pananalita ay forfeited na in favor of the government.
Ako po bilang concerned citizen at naghihinayang sa mga equipment ay nag-offer ng serbisyo para makuha nag mga equipment at ma-release from BOC custody pero hindi po ako nakatanggap ng kasagutan mula sa Goberndor.
Dapat po nating malaman at maintindihan na consummated na po ang pag-utang at ang bilihan ng mga heavy equipment na inaprubahan ng Sangguniang Panlalawigan at ng Gobernador at kung ako ang tatanungin ay ang titulo na ng mga equipment ay sa Pamhalaang Panlalawigan na at dapat kuhanin para mapakinabangan na.
Sa totoo lang po ay isa kami sa nag parating ng reklamo sa Commission on Audit (COA) para i-audit itong pangungutang na ito at ang pag-iwan sa pier ng mga ekwipo.
Mayroon pong mga kasalukuyang Bokal na kasama sa pag-utang at pag-bili ng Heavy Equipment pero na ngayon ay tahimik at walang ginagawa tungkol sa naiwang equipment sa pier.
Noon pong 1999 ay may Ordinansang Panlalawigan na Nagtatayo ng 2 Motor Pool, at 2 ring set ng Heavy Equipment, isa sa Sta Cruz para sa Sta. Cruz at Torrijos, at isa sa Boac, para sa Boac, Mogpog, Gasan at Buenavista, at ito ay nagsasaad ng maglalaan ng at least P5 Million para sa pagkumpleto ng heavy Equiopment para sa naturang 2 Motor Pool. Bakit kaya hanggang ngayon ay hinid pa rin makumpleot ang ating mga equipent? Saan napupunta ng P5MM every year na allocation na sa loon ng halos 10 taon at kung tutuusin at maroon ng P60Mllion kung tinutupad ang paglalaan ng P5MM taon taon.
Pagpapatayo ng sports complex. Noong 1988 pinatuyo po namin ng Pammahalaang Bayan ng Boac ang isang Sports Oval sa lugar (Boac Reclamation Project) na sinasabing pagtatayuan ng Sports Complex. Sana po noon pa ay sinundan nga ang pagpapagwa ng Sports comllkex dito para naman sana ay sa panahon ngayon ay tapos na, ginagamit na at napapakinabangan na n gating mga kababayn lalo pa ang mga eskwela. Bakit ngayon lang nila naisp ang ganitong proyekto? Dahil ba may pinapagawa na Sports Complex Sta Sta. Cruz?
Ang ibang pondo ay gugulin sa edukasyon ng kabataan. Bakit ngayon lang? At saka libre naman po ang edukasyon mula elemntarya hanggang Mataas na Paaralan o High School. Bakit gugulan nga edukasyon?
Sinasabi na “maikli na ang panahon mga anak”, dipo ba dapat “napakahabang panahon na mga anak”. Ang tanong po bakit po ngayong lang kayo nakaisip ng mga ganitong pangungutang at pagpapagawa ng kalsada , sport coml.;elx etc.
Sumasangayon po ako na hinid masama ang mangutang. Ang mga negosyante at ang mga nagtatayo ng industriya ay nagngungutang, pero dapat po nating malaman at maintindihan na ang isang nagngungutang ay dapat magbayad, hindi lamang ang halangang inutang kung hindi pati na rin ang interes of tubo sa inutang. Sa negosyo at industriya, sila ay umuutang dahil sa ang pinalalaanan nila ay pamumuhunan at alam nating lahat na ang negosyo ay may balik na kita at ang kinikita nila ang kanilang ipambabayad sa kanilang inutang na halaga kasama ng tubo. Sa kaso po ng Pamhalaang Panlalawigan ay ang uutangin ay gagastusin sa pagpapagawa ng proyektong Nasyunal at pag natapos po ang proyekto wala namng imaibabalik at sa katagalang ay muling ipapagawa at walang tunay ibabalik sa kaban ng bayan.
Bakit ngayon lang.
PEDRITO M. NEPOMUCENO
Dating Alkalde ng Boac
Dating Bokal ng Marinduque.