MARINDUQUE.GOV.PH

Heart and Center of the Philippines

Headlines

Monday, May 9, 2016

Eleksyon sa Alobo, Sta. Cruz, Marinduque, Kanselado

Mapa ng Marinduque

Walang magaganap na botohan sa Alobo, Sta. Cruz, Marinduque ngayong araw, Mayo 9, 2016. Ito ay matapos na ang dumating na mga balota sa nasabing barangay ay para sana sa Malalag, Maitum, Probinsya ng Sarangani. Ayon sa ulat, naiparating na ito sa OPES, REDO at COMELEC Central.

Ayon kay Lawyer Francisco Pobe, Comelec Region 12 director, "voting was hampered at a clustered precinct at the Malalag Elementary School in Maitum, Sarangani Province due to erroneous ballots."

He said poll personnel discovered at the opening of the precinct at 6 am that the delivered ballots were for a precinct in Sta. Cruz, Marinduque province.

The affected clustered precinct has a total of 667 voters from original precincts 004A, 4B, 5A at 5B.

“The replacement ballots are on their way to Maitum while those for Marinduque will be airlifted via Cebu later today,” dagdag pa ni Pobe.

Magkakaroon lamang ng eleksyon kapag dumating na ang mga tamang balota.

Para ireport ang mga iregularidad o karanasan sa pagboto sa inyong mga presinto, maaaring i-text sa 0977.649.4754 o email: info.marinduque@gmail.com.

Palagiang gamitin ang hashtag na ‪#‎MarinduqueHalalan2016‬ sa inyong mga post sa Facebook, Twitter at Instagram upang madaling masundan ang mga kaganapan na may kinalaman sa Eleksyon 2016 sa ating lalawigan. Bisitahin ang website na ito para maging updated. Kung kayo ay mayroong kuhang larawan o impormasyon, maaaring ipadala sa pamamagitan ng email o i-tag sa Marinduque News Online Facebook.

Posted by Romeo Mataac Jr., Marinduque News Portal