MARINDUQUE.GOV.PH

Heart and Center of the Philippines

Headlines

Friday, November 14, 2025

Friday, November 14, 2025

Boac LGU, 2nd runner up sa Social Service Oriented Award ng The Manila Times


BOAC, Marinduque -- Ginawaran bilang 2nd Runner-Up sa Social Service Oriented Award Category ang Lokal na Pamahalaan ng Boac sa katatapos na lamang na Philippine Model Cities and Municipalities Awards 2025 na inorganisa ng The Manila Times.

Personal na tinanggap ni Mayor Armi DC. Carrion ang parangal, kasama si Councilor Francis Jacinto, nitong Biyernes, Nobyembre 14, sa The Manila Hotel.

Sa kaniyang mensahe, ibinahagi ni Carrion ang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng mamamayan ng Boac na aniya’y tunay na dahilan ng naturang pagkilala.

"Hindi ko po maiwasang mapangiti at magpasalamat—dahil alam kong ang karangalang ito ay hindi para sa iisang tao. Ito ay para sa ating lahat: para sa mga pamilyang Boakenyo na araw-araw na nagsusumikap, para sa mga guro, magsasaka, mangingisda, kabataan, senior citizens, at sa lahat ng sektor na nagbibigay-buhay sa ating komunidad," wika ni Carrion.

"Ang parangal na ito ay hindi lamang simbolo ng ating tagumpay—ito ay paalala na kaya nating abutin ang mas mataas pa, basta’t sama-sama," dagdag pa ng alkalde.

May temang “Environmental Communities Cultivating First-World Economies,” layunin ng nasabing parangal at forum na kilalanin ang mga lokal na pamahalaang nangunguna sa sustainable urban planning, environmental stewardship, at economic growth, habang pinapanday ang mas resilient at livable na mga komunidad.

Tampok sa forum bilang keynote speakers sina Department of the Interior and Local Goverment Undersecretary for Local Government Marlo Iringan at Baguio City Mayor Benjamin Magalong, na parehong kinikilala sa mahusay na pamamahala at pagpapatupad ng mga patakarang nakatuon sa sustainability.

Dumalo rin sa pagtitipon sina Mailene Sigue-Bisnar, partner at leader para sa Advisory Services at Business Development Groups ng P&A Grant Thornton; Felino Palafox Jr., kilalang architect at urban planner; at Georg Royeca, chief executive officer ng Angkas. -- Marinduquenews.com

Thursday, November 13, 2025

Thursday, November 13, 2025

Patrol car, nabagsakan ng puno ng niyog habang nagsasagawa ng force evacuation sa Sta. Cruz


STA. CRUZ, Marinduque -- Nabagsakan ng puno ng niyog ang isang patrol car ng Marinduque Police Provincial Office (PPO) habang tumutulong sa isinasagawang force evacuation sa Barangay Lapu-Lapu, bayan ng Sta. Cruz, ngayong umaga, Nobyembre 9.


Batay sa ulat, bandang 7:00 am, habang nakaparada ang patrol car at hinihintay ang mga lilikas na residente upang ihatid sa mga evacuation center, ay biglang bumagsak ang isang puno ng niyog at tinamaan ang unahang bahagi ng sasakyan. Sa kabutihang palad, walang naiulat na nasaktan, bagama’t nasira ang harapang bahagi ng patrol car.

Sa kabila ng insidente, ipinagpatuloy pa rin ng mga pulis at rescuers ang kanilang operasyon upang masiguro ang kaligtasan ng mga evacuees sa gitna ng masamang panahon dulot ng BagyongUwan.

Pinaalalahanan naman ng kapulisan ang publiko na magkusang lumikas sa mga ligtas na lugar upang maiwasan ang anumang panganib.

Mga kababayan, magkusa na po tayo na lumikas para sa kaligtasan ng lahat. Sa kabila ng pangyayari, ang inyong kapulisan ay patuloy sa serbisyo para sa ating mga kababayan," pahayag ni Sta. Cruz Acting Chief of Police PCPT Jayson E. Quindoza.

Para sa mga nangangailangan ng tulong, maaaring makipag-ugnayan sa Sta. Cruz MPS sa mga numerong 0998-598-5806. -- Marinduquenews.com

Thursday, November 13, 2025

New BIR chief hails from Gasan, Marinduque


GASAN, Marinduque -- Atty. Charlito Martin “Charlie” Mendoza, a native of Gasan, Marinduque, has been appointed as the new commissioner of the Bureau of Internal Revenue (BIR), the government agency responsible for generating over 70 percent of the country’s revenues.


Mendoza was sworn into office on November 13 by President Ferdinand Marcos. His appointment comes after the sudden departure of former BIR chief Romeo “Jun” Lumagui Jr., who stepped down despite the agency consistently meeting its collection goals.

Before his appointment, Mendoza served as undersecretary for the Revenue Operations Group at the Department of Finance (DOF), overseeing operations at both the BIR and the Bureau of Customs (BOC). DOF sources describe him as a trusted associate of Finance Secretary Ralph G. Recto, occasionally representing the finance chief in the influential Monetary Board of the Bangko Sentral ng Pilipinas.

Mendoza’s government career is marked by notable operational achievements. At the BOC Port of Cebu from July 2019 to October 2022, he reportedly led the port to “record-breaking” revenue collections and oversaw its attainment of the ISO 9001:2015 quality management certification—the first for any customs collection district in the country.

Academically, Mendoza is a licensed geodetic engineer from the University of the Philippines and a lawyer from San Beda University, where he placed third in the 2004 Philippine Bar Exam. He completed his early education at Immaculate Conception College (now St. Mary’s College of Marinduque) in 1994.

Before joining public service, Mendoza was a founding partner at the law firm Palafox Patriarca Romero and Mendoza. Colleagues describe him as a “solution-finder” known for cutting through complex challenges to deliver measurable results.

With his appointment, Mendoza brings both legal and technical expertise to the BIR, as the agency faces the dual challenge of maintaining revenue growth and ensuring compliance in an evolving fiscal landscape. -- Marinduquenews.com

Thursday, September 25, 2025

Thursday, September 25, 2025

Mangingisda, patay matapos malunod sa Boac


BOAC, Marinduque -- Isang 33-anyos na mangingisda ang natagpuang wala nang buhay matapos mawala habang nangingisda sa karagatang sakop ng Barangay Laylay, bayan ng Boac, Marinduque.

Kinilala ang biktima na si Anthony Matimtin Lubrin, may asawa at residente ng nasabing barangay.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, bandang 11:00 ng umaga nitong Miyerkules, Setyembre 24, umalis si Lubrin sa kanilang bahay upang mangisda subalit pagsapit ng 6:00 ng gabi, lumapit kay Lorimie Monreal Lubrin, asawa ng biktima, si Bernard Ashley Gundran, kapwa residente ng naturang lugar, at iniulat na nakita niya ang bangkang pag-aari ni Lubrin na palutang-lutang at walang sakay, humigit-kumulang 1.5 kilometro mula sa dalampasigan.

Agad na humingi ng tulong ang pamilya sa Philippine Coast Guard, Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) Boac, at Bureau of Fire Protection upang hanapin ang nawawalang mangingisda. Gayunman, dahil sa malakas na agos ng dagat dahil sa epekto ng habagat, pansamantalang itinigil ang operasyon at ipinagpatuloy bandang 4:30 ng madaling araw kinabukasan.

Dakong 5:57 ng umaga ng Setyembre 25, natagpuan ng mga awtoridad ang bangkay ni Lubrin sa ilalim ng dagat na nakatihaya, at may nakataling pabigat sa baywang na tinatayang aabot sa dalawang kilo ang timbang.

Patuloy pang iniimbestigahan ng mga kinauukulan ang pangyayari sa likod ng insidente. -- Marinduquenews.com

Thursday, September 4, 2025

Thursday, September 04, 2025

Mag-asawa sa Sta. Cruz, patay matapos pagtatagain


SANTA CRUZ, Marinduque -- Isang karumal-dumal na insidente ng pananaga ang naganap sa Sitio Ilaya 1, Brgy. Dolores, Sta. Cruz, Marinduque madaling araw ng Huwebes, Setyembre 4, na nagresulta sa pagkamatay ng mag-asawang sina Rosalino at Juana Perfinan.

Ayon sa ulat ng Sta. Cruz Municipal Police Station (MPS), nakatanggap sila ng tawag bandang 7:13 ng umaga mula kay Brgy. Konsehal Mariano Pelaez kaugnay ng insidente. Agad na rumesponde ang mga awtoridad kasama ang Provincial Forensic Unit at Rural Health Unit I ng naturang bayan.

Natagpuan ang mga biktima na duguan at wala nang buhay sa loob ng kanilang tahanan. Batay sa imbestigasyon, bandang 11:45 ng gabi ng Setyembre 3 ay pumasok sa bahay ng mga biktima ang suspek na si John Carl Silla Monterey, 18 anyos, residente rin ng Brgy. Dolores. Nagkaroon umano ng mainit na pagtatalo kung saan ay kinuha ng suspek ang itak at paulit-ulit na pinagtataga ang mag-asawa.

Sa isinagawang hot pursuit operation ng Sta. Cruz MPS katuwang ang mga saksi, mga opisyal ng barangay at force multipliers, naaresto si Monterey dakong 9:21 ng umaga ng parehong araw. Narekober din ang ginamit na itak sa pinangyarihan ng krimen.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Sta. Cruz MPS ang suspek at inihahanda na ang mga kaukulang dokumento para sa pagsasampa ng reklamo sa Office of the Provincial Prosecutor. -- Marinduquenews.com

Wednesday, July 23, 2025

Wednesday, July 23, 2025

Official Portrait of Marinduque Representative Reynaldo Salvacion



The Office of Congressman Reynaldo Salvacion officially released his official portrait on Tuesday, July 22. The above picture is now available for free download and may be reproduced for institutional use only.

“Ipinakikilala ang Official Portrait ni Congressman Reynaldo Padilla Salvacion, Kinatawan ng Lone District ng Marinduque. Hindi lamang ito isang larawan—ito'y paalala ng tapang, malasakit, at paninindigang tunay para sa Marinduqueño,” reads the caption of the post.

The portrait features Congressman Salvacion in a traditional Barong Tagalog, the national formal wear for Filipino men, adorned with a House of Representatives pin near the collar, symbolizing his official capacity and public service.

Salvacion was elected as the 11th representative of Marinduque’s lone district in the House of Representatives during the May 12 national and local elections. -- Marinduquenews.com

Wednesday, January 15, 2025

Wednesday, January 15, 2025

Mandaluyong, Gasan lumagda sa sisterhood agreement


Pormal na lumagda sa isang sisterhood agreement ang Lungsod ng Mandaluyong at Bayan ng Gasan, sa lalawigan ng Marinduque kamakailan.

Ang kasunduan ay pinanangunahan nina Mandaluyong Mayor Benjamin Abalos, Sr. at Gasan Mayor Rolando Tolentino.




Layunin ng sisterhood agreement na mapagtibay ang ugnayan at kalakalan ng dalawang lokal na pamahalaan.