Marinduque News
Friday, July 10, 2015
Marinduque Ligtas sa Fake Rice
Ang Provincial Palengke Watch at ang Monitoring Team ay pinangunahan ng NFA Acting SEIO Salvador D. Veciana |
Boac, Marinduque - Idineklara ng National Food Authority-Marinduque na ang lalawigan ay ligtas sa Pekeng Bigas o Fake Rice at tinatawag ding Synthetic Rice. Ito ay matapos ang aktual na inspeksyon ng mga tindahan ng bigas na accredited at licensed ng National Food Authority (NFA) sa anim na malalaki at nangungunang palengke sa anim na bayan sa buong lalawigan simula nuong Hulyo 5, 2015. Kasama sa pagiikot at pag momonitor ang Provincial Office Palengke Watch at ang Price Monitoring Team.